IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa DPWH: Pag-aralan ang Bicol River Basin Dev’t Program bilang sagot sa pagbaha sa rehiyon

Ivy Padilla
494
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. spearheaded a situation briefing in Naga City Hall today, October 26. (Photo by PCO)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na muling pag-aralan ang Bicol River Basin Development Program (BRBDP) na magsisilbing ‘critical flood control measure’ sa rehiyon.

Ang direktiba niya ay kasunod ng matinding pagbaha na naranasan sa Bicol region mula sa hagupit ni Severe Tropical Storm (STS) Kristine sa nagdaang mga araw.

Inatasan ng Pangulo si DPWH Secretary Manuel Bonoan na muling suriin ang nasabing proyekto na natigil noong 1986.

“Itong mga lugar, mga [lugar sa] Batangas, mga [lugar sa] Cavite, nawala kaagad ang tubig. Dito, hindi nawawala ang tubig. But that’s the proverbial problem of the Bicol River Basin. Kaya’t kailangan talaga nating pag-isipan what are we going to do with the long-term because you cannot expect any changes,” paliwanag ng Pangulo sa press briefing sa Naga City ngayong araw, Oktubre 26.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na ang naranasang pagbaha sa Bicol ngayon ay dalawang beses na mas mataas kaysa sa idinulot ng bagyong Ondoy noong 2009.

“Next time it rains, (heto) na naman tayo. It would be the same situation all over again. So, we have to find a long-term solution,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

“Now, we have to focus specifically on flood control. The others, marami naman tayong mga plano for the rest of it. But we have to focus now on flood control,” dagdag nito.

Sa ulat ni Sec. Bonoan, na-update na ang BRBDP noon pang Hulyo 2024 sa ilalim ng Philippine-Korea project.

Inaasahang makukumpleto ang detalyadong ‘engineering design’ ng proyekto sa susunod na taon kung saan tinitingnan din ang posibilidad na simulan ang konstruksyon nito bago matapos ang 2025 o pagsapit ng 2026. -VC

Related Articles