IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa DSWD: Bigyan ng sapat na pagkain, tulong ang mga biktima ng bagyong Kristine

Divine Paguntalan
335
Views

[post_view_count]

DSWD Eastern Visayas distributed family food packs (FFPs) to families affected by Severe Tropical Storm Kristine. (Photo by DSWD Eastern Visayas)

Mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyaking walang apektadong mamamayan ang magugutom sa gitna ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine sa bansa.

Sa isang press briefing sa Malacañang ngayong araw, Oktubre 24, tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na makakaasa ang Pangulo sa tuluy-tuloy na pag-agapay ng ahensya.

“Makakasa ho kayo na tuloy-tuloy po ‘yan – ‘yan ang instruction sa atin ng ating mahal na Pangulo na walang pamilya, o walang biktima ng kalamidad ang magugutom,” saad ni Gatchalian.

Ayon pa sa kalihim, ibilin din ng punong ehekutibo sa kagawaran ang pagbibigay ng agarang financial assistance upang hindi mahirapan makabawi ang mga biktima ng bagyo.

Inaantay lamang aniya na humupa ang baha at agad ding sisimulan ang pamamahagi ng cash assistance sa mga komunidad.

“Let me categorically say that the DSWD has available funds ready to mobilize financial assistance in the coming days,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Gatchalian na makakaasa ang mga Pilipino sa tuluy-tuloy na hakbang hindi lamang ng DSWD kundi ng iba pang concerned agencies para tugunan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal at pamilya na nasalanta ng bagyong Kristine. — IP

Related Articles

National

Ivy Padilla

29
Views

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

108
Views