IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa gov’t agencies: Matuto sa iniwang aral ng mga nagdaang bagyo

Ivy Padilla
71
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. during a briefing on incoming typhoon Pepito at Camp Aguinaldo, Quezon City on Friday, November 15. (Photo by PCO)
Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na gamitin ang mahahalagang aral na natutunan mula sa mga nagdaang bagyo sa pagharap sa mga paparating na sakuna.

Nakipagpulong ang Pangulo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Nobyembre 15, upang malaman ang lagay ng ginagawang pagtugon ng gobyerno sa epekto ng bagyong Marce at Pepito.

“We must remember all the lessons we learned from previous incidents of storm surge and we have to provide guidance to our local executives so that they know what to do and how to protect themselves against possible storm surge,” saad ng Pangulo.

Binanggit din ni Pangulong Marcos Jr. na may magandang ideya ang local authorities para tugunan ang pagbaha sa Metro Manila.

“Because as we began to see the – ‘yung dinadaanan ng tubig, nagbabago eh. Pero ‘yung bagong pinagdaanan ng tubig, alam na natin ngayon,” ani Pangulo.

“So, let’s look back on the experience that we’ve had in the past few typhoons that caused street flooding, that dropped 700 millimeters in just past 24 hours. A little more than 24 hours,” dagdag nito.

Binigyang-diin ng lider na dapat nakahanda na ang mga kagamitan na kakailanganin ng bawat lokal na pamahalaan tulad ng heavy equipment, vehicles, rubber boats, at air assets.

Related Articles