IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa mga Pilipino: Paghandaan ang kinabukasan sa pamamagitan ng SSS, GSIS

Divine Paguntalan
83
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the symbolic hand-over of pension increase under pension reform program of SSS on September 10, 2025. (Screengrab from RTVM)

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pensyonado at manggagawang Pilipino na planuhin at paghandaan ang kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng benepisyo mula sa social protection institutions ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa 68th anniversary ng Social Security System (SSS) at paglulunsad ng Pension Reform Program, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagiging aktibo at tapat na miyembro ng SSS at Government Service Insurance System (GSIS).

“Makipag-ugnayan po kayo sa SSS at GSIS para makapaghanda nang mabuti para sa inyong pensyon at mga benepisyo para sa mga mahal ninyo sa buhay,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr.

Hinikayat din niya ang mga manggagawa na magbigay ng tamang kontribusyon bilang suporta sa social security programs ng gobyerno.

“Sa aking mga kapwa Pilipino, suportahan natin ang mga programang tulad nito—sa pamamagitan ng pagtitiwala at paghuhulog ng tamang kontribusyon upang mas mapa-igting pa ang ating social security systems,” dagdag ng punong ehekutibo.

Patunay ang naturang programa ng ahensya na tinututukan ng administrasyon ang pagbibigay ng seguridad at proteksyon sa mga Pilipino hanggang sa kanilang pagtanda. – VC