Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sambayanang Pilipino na bigyang-respeto ang mga alaala ni Gat Andres Bonifacio sa paggunita ng ika-161 kaarawan ng Ama ng Katipunan ngayong Sabado, Nobyembre 30.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng punong ehekutibo na dapat kilalanin ng bawat isa ang sakripisyo ni Bonifacio para sa inang bayan.
“Let us honor his memory by finding a deeper meaning in his sacrifice and doing our part in liberating our country from the shackles of hunger, corruption, criminality, and other ills of society,” saad ng Pangulo.
Kinilala rin ng lider ang tiyaga at katapangan ni Bonifacio na siyang nanguna sa Philippine Revolution at nagbuklod sa maraming Pilipino.
“As we celebrate this auspicious occasion, let us remember the legacy of sacrifice that he and our forebears have demonstrated. We owe them a debt of gratitude for awakening our nationalist consciousness, upholding our sense of identity, and rousing our spirit of self-determination,” ani Pangulong Marcos Jr.
Bagaman matagal nang panahon ang lumipas, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na nananatiling buhay ang mga laban at alaala ng bayani sa bansa.
“Gat Andres may have been long gone, but his fight carries on. His courage, selflessness, and determination continue to inspire us all to strive for greatness in our shared task of nation-building,” dagdag nito.
Nanawagan ang Pangulo sa bawat Pilipino na makiisa sa pagbuo ng maganda at maayos na ‘Bagong Pilipinas’ kung saan ang mananaig ang kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran.