IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa PCSO: Patuloy tulungan ang mahihirap na Pilipino

Ivy Padilla
255
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the send-off of 90 Patient Transport Vehicles (PTVs) from PCSO to geographically isolated and disadvantaged areas yesterday, October 30. (Photo by PCO)

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ipagpatuloy nito na tulungan ang mga bulnerableng Pilipino sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng ahensya nitong Miyerkules, Oktubre 30.

“I call upon everyone at PCSO to remember the heart of what you do. Continue upholding integrity, benevolence, and excellence,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Bilang paggunita sa ika-90 anibersaryo, naghandog ang PCSO ng 90 ambulansya o patient transport vehicles (PTVs) na ipinamahagi sa lokal na pamahalaan ng Bohol, Cebu, Negros Occidental, Northern Samar, Rizal, at Pangasinan upang kanilang magamit.

Inilarawan ng punong ehekutibo ang PCSO bilang isang institusyon na nagsilbing “beacon in times of darkness” ng napakaraming Pilipino.

“Nine decades—almost a century of hope, a lottery of chances, and a whole lot of dreams funded, healed, and realized,” pagbibigay-diin ng Pangulo.

Pinuri rin ng Pangulo ang ilang programa ng PCSO na nakatulong sa mga Pilipino tulad ng Medical Assistance Program, Medical Transport Vehicle Donation Program at Institutional Partnership Program.

Bukod dito, kinilala rin ng lider ang tulong ng PCSO sa ibang institusyon gaya ng Tahanan ng Pagmamahal Children’s Home sa Taguig City kung saan ang ahensya ang nagpopondo sa pangangailangan ng mga bata tulad ng pagkain, gatas at mga gastusing medikal.

“In a way, this is a quiet promise to each child that there is a community standing behind them, rooting for their future, even when life has given them a tough start,” saad ng Pangulo. -AL

Related Articles