IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa publiko: Maging aral ang iniwan ng bagyong Yolanda sa pagharap sa mga kalamidad ngayon

Ivy Padilla
176
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visited typhoon-hit areas in Naga City, Camarines Sur last October 26. (Photo by PCO)

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na alalahanin at respetuhin ang mga buhay na kinuha ng Super Typhoon Yolanda sa paggunita ng ika-11 anibersaryo magmula nang tumama sa bansa ngayong Nobyembre 8.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na kailangang mas paigtingin ang pagsisikap ng bansa na lampasan ang mga pagsubok na dala ng nagbabagong panahon.

“As the most disaster-prone country in the world, we cannot do otherwise. We do not have the luxury of ignorance, inaction, and complacency,” saad ng Pangulo.

Aniya, mahalagang gawing handa ang bawat komunidad at lokal na pamahalaan laban sa mga sakuna at kalamidad.

“Calamities are teaching moments, and every one that came after Yolanda delivered a payload of lessons that instructed us how to improve our response,” ani Pangulong Marcos Jr.

Ipinunto ng punong ehekutibo na dapat tiyakin ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga higit naapektuhan ng kalamidad kung saan binanggit nito ang mas lumalakas na kooperasyon ng pamahalaan at publiko.

“Since then, we have strengthened institutional bulwarks against calamities, which our countrymen have matched with increasing care and compassion for those affected,” saad ng Pangulo.

Nangako si Pangulong Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang hindi natapos na rehabilitasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

“Though no singular fault of anyone, many of these pledges remain unredeemed, and we shall see to it that what the state owed to impacted people and placces will be satisfactorily settled” pahayag ng Pangulo. -VC