IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: State visit sa India, pinaka-produktibo

Divine Paguntalan
74
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. attended a state banquet hosted by Indian President Droupadi Murmu. (Photo from PCO)

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ‘most productive and constructive’ ang kanyang state visit sa India, matapos maisakatuparan ang maraming kasunduan para sa iba’t ibang larangan ng Pilipinas at India.

Sa state banquet na pinangunahan nina Indian President Droupadi Murmu sa Rashtrapati Bhavan, ipinahayag ni Pangulong Marcos Jr. na sari-saring oportunidad ang magbubukas dahil sa mas malalim na kooperasyon ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga usaping pinagtibay ng kasunduan ang defense, security, trade, Science and technology, maritime cooperation, at tourism.

Isa rin sa mga kasunduang nilagdaan ang pagpapalakas ng ugnayan ng sandatahang lakas ng dalawang bansa sa pamamagitan ng staff talks.

“I am much inspired by our meetings that we held today. I look forward to bringing home the gains from our engagements and carry forward the plans and initiatives that both sides have agreed to and to pursue through the Plan of Action,” mensahe ng Pangulo.

Inalala rin ng Pangulo ang pagbisita ng kanyang ama at dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. na kauna-unahang pinunong Pilipino na bumisita sa India noong 1976.

Ang 5-day state visit ni Pangulong Marcos Jr. sa India ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa. – AL

Related Articles