IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, tinawag na ‘very worrisome’ ang namataang Russian submarine sa WPS

Jerson Robles
243
Views

[post_view_count]

The Russian Navy’s Ufa was seen 80 nautical miles west of Occidental Mindoro in the West Philippine Sea. (Photo Courtesy: AFP)

Nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa napaulat na presensya ng Russian attack submarine sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang media interview sa Marikina City ngayong Lunes, binigyang-diin ng Pangulo na lahat ng klase ng panghihimasok sa nasasakupan ng bansa ay dapat ikabahala.

“All of that is very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ (Exclusive Economic Zone), of our baselines is very worrisome,” sagot ng Pangulo.

Sa ulat ng Philippine Navy, namataan nila ang presensya ng Russian submarine na tinatawag na ‘Russian Navy’s Ufa’ noong nakaraang linggo.

Ang submarine ay unang nakita 80 nautical west ng Occidental Mindoro noong Nobyembre 28.

Agad na nagpadala ang PN ng isang aircraft at warship na BRP Jose Rizal upang subaybayan ang galaw ng Ufa kung saan hindi ito nag-submerge at dahan-dahan na umusad palabas ng territorial waters ng bansa.

Ang Ufa na dumaan sa WPS ay isang Kilo-class submarine at diesel-electric attack vessel na dinisenyo noong 1970s ng Soviet Union. Bagaman ito ay luma na sa disenyo, ito ay na-modernize nitong mga nakaraang taon, at bahagi ng mga Improved Kilo II submarines ng Russia.

Batay pa sa mga ulat, ang submarine na ito ay may kakayahang maglunsad ng Kalibr missiles, na ginagamit din sa mga operasyon sa Ukraine. -VC

Related Articles