Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magdiriwang siya ng Christmas Eve sa Malacañan Palace kung saan binigyang-diin nito na walang ‘day off’ ang pagiging lider ng bansa.
“I don’t have off days,” sagot ni Pangulong Marcos Jr. nang tanungin kung anong balak niya sa papalapit na Kapaskuhan.
Nilinaw ng punong ehekutibo na hindi ito pwedeng magpahinga sa kanyang tungkulin.
“We are not included in the vacation, in the holiday, on the weekend. We are not part of that. We’re always on call,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng pagiging abala, tiniyak naman ni Pangulong Marcos Jr. na mayroon siyang oras para tugunan ang mahahalagang bagay na posibleng mangyari.
Mayroon ding plano ang Pangulo na bumisita sa Baguio City pagkatapos ng Pasko. – AL