IBCTV13
www.ibctv13.com

‘People power revolution’, hindi dapat gawing biro – CPLC Enrile

Divine Paguntalan
329
Views

[post_view_count]

Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile (Photo by Senate PRIB)

Mahigpit na pinaalalahanan ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mga Pilipino na walang lugar ang pagbibiro ng rebolusyon sa bansa.

Itinuturing ni Enrile na isang “zero-sum game” ang umano’y pagtutulak muli ng mga kritiko ng administrasyon para sa panibagong “people power”.

“My advice to the advocates of revolution or people power is to go ahead to a shop and buy your revolutionary or people power kit, and start the game you like, if you really can do it,” hamon ni Enrile.

“Revolution or people power is no bluffing matter. It is an ultima ratio, where there is no point of return. It is a zero-sum game. Either you win or you lose. That’s it,” dagdag niya.

Binigyang-diin naman ng Presidential legal counsel na minsan na niyang ipinaglaban ang Pilipinas noong panahon ng kanyang kabataan at handa siya hanggang ngayon na gawin ulit ito ngunit sa mas mapayapang paraan.

“Pumatak na ang dugo ko dito sa bayan natin noong panahon ng mga hapon. Teenager pa ako noon. Kaya hwag, na huwag ninyong sasabihin na kayo lamang ang may bayan nitong lupang ito,” saad ni Enrile.

“Bayan ko rin at ipagtatanggol ko sa abot ng aking kakayahan. Wala na ako sa pulitika. Ako ay isang civilian na abogado ng pangulo. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko nang away. Ngunit ipagtatanggol ko ang aking paniwala, gaya ng ipagtatanggol ninyo ang inyong paniniwala,” dagdag niya.

Matatandaang umusbong ang umano’y rebolusyon ng mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte matapos silang mag-camp out sa EDSA Shrine upang magprotesta.

Kasunod ito ng pag-iimbestiga ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa matapang na pagbabanta ng Bise Presidente sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang online media briefing. – VC

Related Articles