IBCTV13
www.ibctv13.com

PH, Cambodia lumagda ng tatlong kasunduan para sa seguridad, edukasyon, at transportasyon

Hecyl Brojan
76
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr., together with members of the Philippine delegation, held a bilateral meeting with Cambodian Prime Minister Hun Manet and his delegation to strengthen cooperation and discuss regional concerns. (Photo from PCO)

Lumagda ng tatlong kasunduan na magpapatibay sa ugnayan ng dalawang bansa ang Pilipinas at Cambodia sa larangan ng seguridad, edukasyon, at transportasyon bilang resulta ng matagumpay na bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet.

Kabilang sa mga nilagdaan ang amendment sa Memorandum of Understanding (MOU) ng Philippine National Police (PNP) at Cambodian National Police na nagdaragdag ng mga sakop na larangan ng kooperasyon laban sa transnational crimes gaya ng human trafficking, arms trafficking, at cybercrime, at pagkakaroon nito ng automatic renewal clause upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagtutulungan.

Kasama rin ang MOU sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Cambodian Ministry of Education, Youth, and Sport, na magbibigay-daan sa palitan ng opisyal, mga training program, at pagtutulungan sa agham, teknolohiya, at inobasyon.

Samantala, pinirmahan din ang Air Services Agreement na magpapalawak sa flight connectivity ng dalawang bansa, kung saan nakapaloob dito ang code-sharing agreements, charter flights, at fifth freedom rights, na magbibigay-daan sa pagdala ng pasahero at kargamento mula Pilipinas o Cambodia na may intermediate stop sa ikatlong bansa.

Itinuturing ng dalawang lider na mahalagang hakbang ang mga kasunduang ito para sa pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng Pilipinas at Cambodia, na mag-aambag sa kapayapaan, kaunlaran, at mas matatag na relasyong panrehiyon. –VC