Binigyang-pagkilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pitong (7) grupo ng Filipino choirs na nagpamalas ng husay sa iba’t ibang international competitions sa ginanap na Gintong Parangal: Honoring the Champion Choirs of 2024 sa Malacañang ngayong Linggo, Nobyembre 24.
Personal na iniabot nina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang P1.4-milyong halaga ng incentives kung saan tumanggap ang bawat grupo ng tig-P200,000 at plaque of appreciation.
Kabilang sa mga pinarangalang chorale group ang University of the Philippines Manila Chorale, Quezon City Performing Arts Development Foundation, Inc. Concert Chorus, Sola Gratia Chorale, University of Mindanao Chorale, Los Cantantes de Manila, Imusicapella at University of Santo Tomas Singers.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng punong ehekutibo ang kahalagahan na kilalanin at ipagmalaki ang mga talentadong Pinoy na nagbibigay karangalan sa bansa.
“This is a world-class international level. And Filipinos do not know about it and they should, because every other Pinoy that will hear about this will be proud, once again,” saad ng Pangulo.
“You have shown once again that very important part of the Filipino, which is music. And it is not any music that we are now promoting, it’s Filipino music. Of course, we are influenced by all of those who have come,” dagdag nito.
Ikinatuwa rin ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtataguyod ng mga choir group sa musikang Pilipino.
“Not only because you have achieved such greatness in the international arena but because you have — in doing so, you have shown once again that very important part of the Filipino culture, which is music,” ani Pangulong Marcos Jr.