IBCTV13
www.ibctv13.com

PH economy ngayong taon, mas lalago – economist

Jerson Robles
107
Views

[post_view_count]

(Photo by Michael Peronce, IBC News)

Inaasahang mas lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, ayon sa isang ekonomista mula sa Bank of the Philippine Islands (BPI).

Kumpiyansa si BPI lead economist Jun Neri na lalago ng 6.3% ngayong 2025 ang PH economy at malalampasan ang nakaraang taon kung saan mananatili ang “household consumption” sa pangunahing mag-aambag sa paglago.

Kabilang sa mga dahilan ang remittance inflows na mananatiling matatag sa kabila ng pagbagal ng ekonomiya ng ilang naglalakihang bansa.

“With aging populations abroad driving the demand for labor, the impact of headwinds on remittances like trade barriers and anti-immigration sentiment will likely be limited. Remittances also have a strong track record of stability and growth even in times of crisis, as seen during the pandemic,” saad ni Neri.

Makakatulong din aniya ang mababang antas ng unemployment sa paglago ng konsumo ng kabahayan ngayong taon.

“This should continue to drive the growth of household income and the expansion of the middle class,” saad ng ekonomista.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang antas ng employment noong Nobyembre 2024 na lumapag lamang sa 3.2% kumpara sa 3.6% noong Nobyembre 2023.

Inaasahan din ang mabilis na paglago ng consumer spending ngayong taon habang nananatiling nasa “manageable level” ang inflation na tinatayang aabot sa 3.5%, pasok sa 2% hanggang 4% na target ng pamahalaan.

Mag-aambag din sa inaasahang pagsigla ng ekonomiya ang kamakailang bawas sa interest rate at reserve requirement ratio (RRR) ng mga bangko.

“Private sector spending in construction activities has not yet returned to pre-pandemic levels, but lower interest rates may fast track its recovery. Moreover, as household consumption strengthens, businesses are likely to increase capital spending to meet growing demand,” sabi ni Neri.

Habang nananatili sa loob ng target ang inflation, nirekumenda ng BPI lead economist sa BSP na magbawas ng rate ng panibagong 50 basis points ngayong taon.

Dagdag niya, posibleng mag-ambag ang gastusin para sa 2025 national and local elections dahil kadalasang mabilis ang gross domestic product o GDP growth tuwing panahon ng eleksyon. – VC

Related Articles

National

67
Views

National

Jerson Robles

95
Views