Nagtapos ang 1-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) sa pakikipagpulong kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.
Sa kanilang pag-uusap, nangako ang dalawang lider na palalalimin pa ang kanilang kooperasyon sa mga larangan ng ekonomiya, kalakalan, at sustainability.
Ipinahayag ni Pangulong Marcos Jr. ang kanyang pasasalamat sa UAE para sa kanilang tulong, kabilang ang pag-aresto at pagpapabalik ng isang sex trafficker sa awtoridad ng Pilipinas at ang training at suporta para sa Philippine National Police (PNP).
Pinasalamatan din niya ang UAE para sa pag-grant ng pardon sa 143 na Pilipino noong Eid al-Adha at sa kanilang humanitarian aid para sa mga biktima ng mga kamakailang pagbaha sa Pilipinas.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 taong diplomatic relations ng Pilipinas at UAE, tinalakay din ng dalawang lider ang mga hakbangin upang makamit ang pangmatagalang benepisyo para sa kanilang nasasakupan.
Sa kasalukuyan, halos 700,000 na Pilipino ang nagtatrabaho o naninirahan sa UAE, na tumutulong sa pag-unlad ng bansa.