
Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas mapapalakas pa ang people-to-people exchange ng Pilipinas sa United Kingdom (UK) dahil sa matatag na relasyon ng dalawang bansa.
Sa isang pulong kasama si UK Secretary of State for Foreign, Commonwealth, and Development Affairs David Lammy sa Malacañang nitong Sabado, Marso 8, binanggit ng Pangulo ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa UK.
Ayon sa Pangulo, tinatayang nasa 200,000 mga Pinoy ang nagtatrbaho sa iba’t ibang sektor sa UK kabilang ang IT, aviation, hospitality and service, at healthcare.
“That’s a very clear indication of how strong our relations have become in many, many areas. So, I’m sure your visit will be a symbol of that strengthening relationship,” saad ni Pangulong Marcos Jr.
Bukod dito, tinalakay din ng dalawang lider ang mga usapin na may kaugnayan sa kalakalan at pamumuhunan, maritime, pagbabago ng klima, at kapaligiran.
Nagsimula ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas-UK noong Hulyo 4, 1946.