IBCTV13
www.ibctv13.com

Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension, magagamit na ng publiko ngayong Nobyembre

Divine Paguntalan
196
Views

[post_view_count]

LRT-1 Cavite Extension Phase 1. (Photo by LRTA)

Nakatakda nang magbukas ang Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension ngayong Nobyembre 2024, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC)

Ang nasabing ruta ay isang Public-Private Partnership (PPP) project na inaasahang mapakikinabangan ng maraming pasahero mula Southern Metro Manila hanggang sa mga karatig-lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Enrico R. Benipayo, President at CEO ng LRMC, asahan ang mas mabilis at maginhawang biyahe ng mga komyuter dahil sa LRT-1 Cavite Extension kung saan ang byahe mula Quezon City patungong Parañaque ay wala nang isang oras.

“We are excited to share that LRT-1 Cavite Extension Phase 1 is all set to open this month. This project is expected to bring significant benefits to commuters, including reduced travel time, improved air quality, and economic growth in the region,” paliwanag ni Benipayo.

Ang mga bagong istasyon na magbubukas sa Phase 1 ng proyekto ay ang Redemptorist-Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos (dating Sucat) Station. Ang lahat ng istasyon ay dinisenyo upang maging accessible sa lahat lalo na sa mga pasaherong may kapansanan.

Sa oras na magsimula ang operasyon ng nasabing ruta ng LRT-1 ay madaragdagan pa ng halos 80,000 pasahero kada araw ang kasalukuyang average na 323,000 pasahero kada araw. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

47
Views

National

55
Views