IBCTV13
www.ibctv13.com

PhilHealth: ‘Case rate coverage’ para sa ‘neonatal sepsis,’ ‘bronchial asthma,’ mas pinalawig pa

Michael Peronce
285
Views

[post_view_count]

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na itinaas na ang halaga ng benefit package para sa neonatal sepsis na isa sa pangunahing impeksyon sa daluyan ng dugo ng mga sanggol at maging sa sakit na bronchial asthma bilang bahagi ng kampanya ng ahensya sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa Pilipino.

 Mula sa dating P11,700 na ‘case rate coverage’ noon pang 2014, pinalawig pa ito sa P25,793 na mas mataas ng 120% habang aabot naman na sa P22,488 ang halaga ng benefit package ng ahensya para sa ‘bronchial asthma in acute exacerbation’ mula sa dating P9,000 o mas mataas ng 150%.

Umabot naman na sa higit tig-P9 bilyon ang nabayaran ng PhilHealth mula sa halos 2 milyong Pilipinong apektado ng dalawang sakit mula 2014 hanggang 2023. -VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

67
Views

National

Divine Paguntalan

83
Views