IBCTV13
www.ibctv13.com

PhilHealth, hinimok ang mga Pilipino na gamitin ang benefit coverage para sa flu

Hecyl Brojan
151
Views

[post_view_count]

The Department of Labor and Employment (DOLE) Ilocos Sur promoted the welfare of private employees through the Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) of PhilHealth Ilocos Sur, held at JTC Mall in Bantay, Ilocos Sur on September 16, 2025. (Photo from PIA)

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sakop ng kanilang benepisyo ang pagpapagamot sa influenza at influenza-like illnesses, bilang bahagi ng pinalawak na primary care package ng ahensya.

Hinikayat ng PhilHealth ang mga miyembro na agad kumonsulta sa kanilang napiling YAKAP Clinic kapag nakaranas ng sintomas ng flu.

Saklaw ng PhilHealth YAKAP Benefit ang konsultasyon, pangunahing gamot, at laboratory tests kung irerekomenda ng doktor. Layon nitong palakasin ang prebensyon at maagang pagtukoy ng sakit, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang kalusugan ng mamamayan.

Pasok din sa benepisyo ang mga pasyenteng may malubhang sintomas sa ilalim ng Outpatient Emergency Care Package kung saan may P12,870 case rate para sa mga kasong nangangailangan ng confinement, maliban pa sa hiwalay na benepisyo para sa mga komplikasyon gaya ng pneumonia.

“We encourage everyone to avail their PhilHealth YAKAP benefit. Let us not wait for the cough, fever, or cold to worsen,” ani PhilHealth President at CEO Dr. Edwin M. Mercado.

“I also urge everyone to prioritize simple preventive measures: wash your hands frequently, cover your mouth and nose when coughing or sneezing, and avoid crowded places if you are already feeling sick,” dagdag niya.