IBCTV13
www.ibctv13.com

Philippine mythology, bumida sa bagong listahan ng mga pangalan ng bagyo

Hecyl Brojan
258
Views

[post_view_count]

Haliya and Bakunawa, a Bicolano mythology creatures (Photo from TheAswangProject)

Sa Pilipinas, mahalaga ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagyo upang mas madaling matandaan ng publiko at mas epektibong makapagbigay ng babala tungkol sa paparating na sama ng panahon. 

Simula 1963, may sariling listahan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng mga pangalan ng bagyo, at ito ay inuulit kada apat na taon.  

Gayunpaman, kung ang isang bagyo ay nagdulot ng matinding pinsala, tulad ng mahigit 300 pagkasawi o P1 bilyong halaga ng danyos sa ari-arian, agrikultura, at imprastraktura, inaalis ito sa listahan at pinapalitan ng bago.

Ngayong taon, inanunsyo ng PAGASA ang bagong sistema sa pagbibigay ng pangalan sa mga bagyo, kung saan hinango sa mitolohiyang Pilipino.

Sa halip na karaniwang pangalan, pinili ng ahensya na ipakita ang mayamang kultura ng bansa sa pamamagitan ng mga pangalang may malalim na kahulugan at kasaysayan. 

Apat na bagong pangalan ng bagyo na hango sa mitolohiya

Apat sa walong bagong pangalan ng bagyo ay hango sa mga diyos at bayani mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ito ay ang mga pangalang Kidul, Nanolay, Onos, at Puwok, mga ipinalit sa retiradong pangalan ng bagyo na nagdulot ng malaking pinsala sa bansa noong nakaraang taon: Aghon, Enteng, Julian, at Leon

Ang Kidul ay kilala bilang diyos ng kulog ng mga Kalinga. Si Nanolay naman ay tagapaglikha at bayani ng kultura ng mga Gaddang (katutubong etniko). Si Onos ay ang diyos ng bagyo at baha sa Bikol habang si Puwok ay kinikilala bilang diyos ng bagyo sa paniniwala ng mga Ifugao.

Dagdag na apat na pangalan ng bagyo sa 2028

Bukod sa apat na mitolohikal na pangalan, inanunsyo ng PAGASA ang Amuyao, Edring, Josefa, at Lekep bilang karagdagang pangalan sa opisyal na listahan ng bagyo simula 2028.

Ngayong taon, umabot sa walo ang bilang ng mga pangalan ng bagyong inalis mula sa listahan, ang pinakamalaking bilang ng retiradong pangalan mula nang simulan ang sistema noong 2001.

Sa gitna ng lumalakas at mas madalas na pagdating ng mga bagyo, ang paggamit ng mga pangalan na hango sa mitolohiyang Pilipino ay isang paraan upang mapanatili ang koneksyon ng mga mamamayan hindi lamang sa mga pangyayari sa panahon, pati na sa kanilang sariling kasaysayan at kultura.

Sa pagbibigay ng mas makahulugang pangalan sa mga bagyo, umaasa ang PAGASA na mas mapapalalim nito ang pang-unawa at pagpapahalaga ng publiko sa parehong meteorolohiya at mayamang alamat ng Pilipinas. – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

134
Views

Feature

Hecyl Brojan

369
Views