IBCTV13
www.ibctv13.com

PHIVOLCS, nagbabala vs. mataas na ‘volcanic ash emission event’ sa Kanlaon Volcano

Ivy Padilla
156
Views

[post_view_count]

Ash emission from the Kanlaon Volcano summit crater that was observed at 05:46 a.m. today, November 9. (Screengrab from Phivolcs)

Naglabas ng abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko kaugnay sa pagtaas ng ‘volcanic ash emission event’ sa bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Umabot na sa 28 ash emission episodes ang naitala ng ahensya simula Oktubre 19 na tumagal ng (4) na minuto hanggang isang (1) oras at 18 minuto.

Nagdulot ito ng pagbuga ng abo na may 300-800 metrong taas.

Naitala ang pinakahuling pagbuga ng abo ng Kanlaon kaninang umaga sa pagitan ng 5:46 a.m. hanggang 7:02 a.m. na tumagal ng isang (1) oras at 16 minuto.

Aabot sa 750 metrong taas ng abo ang ibinuga ng bulkan kung saan ang mga bakas nito ay napadpad sa Sitio Bais, Barangay Yubo, La Carlota at Barangay Sag-ang, La Castellana.

Sa 24 oras na pagmamanman ng PHIVOLCS, naitala rin sa bulkan ang 28 volcanic earthquakes at tatlong (3) ashing events.

Naglabas din ito ng 4,701 tonelada ng asupre at nagbuga ng 700 metrong taas ng abo na napadpad patungong hilagang-kanluran.

Patuloy na nagpapaalala ang ahensya sa mga residente malapit sa bulkan na iwasan ang pagpasok sa four (4) kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang bulkang Kanlaon.