Naganap ang isang phreatomagmatic eruption sa main crater ng bulkang Taal bandang 5:58 a.m. ngayong Martes, Disyembre 3, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Umabot sa 2,800 metrong taas ng makapal at ‘grayish’ na abo ang ibinuga ng bulkan na napapadpad patungo sa direksyon na west-southwest.
Inirekumenda na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Talisay, Batangas sa mga residente malapit sa lugar na huwag munang pumasok sa Taal Volcano Island dahil sa banta ng biglaan muling pagsabog.
Nagpaalala rin ang ahensya na sumunod sa abiso ng mga awtoridad sakaling kailanganin ang agarang paglikas at manatiling alerto sa abiso ng PHIVOLCS at lokal na pamahalaan.
Sa kabila ng naiulat na pagsabog, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkang Taal. – AL