IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, ikalawa sa pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa Southeast Asia—World Bank

Divine Paguntalan
190
Views

[post_view_count]

IBC file photo

Inaasahang mananatiling ikalawa sa may pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa Southeast Asia ang Pilipinas hanggang 2027, batay sa pinakahuling ulat ng World Bank.

Batay sa Global Economic Prospects report ng World Bank para sa Hunyo 2025, nakasaad na 5.3% ang inaasahang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Bagaman mas mababa sa 5.7% noong 2024 at sa target ng gobyerno na 6–8%, sumusunod pa rin ito sa 5.8% forecast ng Vietnam sa buong rehiyon.

Sa kabila nito, tinatayang mas mabagal pa rin ang magiging takbo ng GDP ng bansa kumpara sa target ng administrasyon.

Ang nakikitang dahilan sa East Asia at Pacific region ay ang tumitinding trade barriers, global economic uncertainty at humihinang pandaigdigang kalakalan.

Gayunpaman, may positibong posibilidad pa rin sa pagluwag sa trade tensions at mga productivity gain mula sa bagong teknolohiya.

Sa gitna ng mga pagbabago sa pandaigdigang merkado, nananatiling matatag at maagap ang mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa upang masiguro na maabot ang pangmatagalang layunin nito para sa inklusibo at sustainable growth.– VC

Related Articles