
Pormal nang idineklara ang pagtatatag ng Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at India upang mas mapalalim pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Sa ilalim nito, palalakasin ang ugnayan ng Pilipinas-India partikular sa larangan ng defense, security, trade, Science and technology at tourism.
Sa ikalawang araw ng kanyang state visit, Martes, Agosto 5, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Indian Prime Minister Narendra Modi ang ceremonial signing at pagpapalitan ng mga mahahalagang kasunduan gaya ng:
- Strategic Partnership Declaration at Plan of Action (2025-2029)
- Staff Talks sa pagitan ng Army, Navy, at Air Force ng parehong bansa
- Enhanced Maritime Cooperation ng Philippine at Indian Coast Guards
- Mutual Legal Assistance Treaty at Treaty on Transfer of Sentenced Persons
- Science and Technology Cooperation Program (2025–2028)
- Tourism Cooperation Program (2025–2028)
- Memorandum on Digital Technologies
- Space Cooperation sa pagitan ng Philippine Space Agency at Indian Space Research Organisation
- Cultural Exchange Program
Sa huli, binigyang-diin ng Pangulo na nakasandig ang ugnayan ng dalawang bansa sa parehong layunin na maging malaya, bukas at inklusibo ang Indo-Pacific region. – VC