IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, kayang maging ‘destination of choice for investment’ sa tulong ng CREATE More Law – PBBM

Divine Paguntalan
204
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. during his speech for the signing of CREATE MORE into law on November 11, 2024. (Photo by PCO)

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magagawa nang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa pagdating sa mas ‘inclusive and empowered business environment’ sa tulong ng bagong batas na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE).

Tututukan ng batas ang limang pangunahing objective — “(1) improving ease of doing business, (2) increasing the competitiveness of tax incentives, (3) strengthening governance and accountability, (4) clarifying value-added tax rules (5) transitory for pre-CREATE Registered Business Enterprises (RBEs)” — kung saan sa pagpapaigting nito ay mabibigyan ng potensyal ang bansa na makahikayat ng mas marami pang business investor.

“The signing of the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy—a bit of a mouthful, so we’ll just refer to it as the CREATE MORE Act— is a resounding testament of our commitment to make the Philippines the destination of choice for investments,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na bukod sa pagpapalakas ng sektor ng pagnenegosyo, layunin ng administrasyon na paunlarin pa ang ekonomiya tungo sa mas malawak na oportunidad para sa lahat ng mga Pilipino.

Kamakailan inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 5.8% na paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang tatlong quarter ng 2024, isang malinaw na indikasyon na patuloy tumitibay ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mga hamon na idinulot ng dumaang COVID 19 pandemic at iba pang pandaigdigang suliranin. – VC