IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, kinilala sa Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2025

Hecyl Brojan
100
Views

[post_view_count]

Photo from Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2025, best hotels, resorts and spas in the Philippines—as voted by the readers.

Patuloy na nagniningning ang Pilipinas sa larangan ng turismo matapos mapabilang ang ilang pangunahing destinasyon at establisyimento sa bansa sa Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2025.

Pasok sa Top 10 Best Islands in Asia-Pacific ang Palawan (Rank 4), na kilala sa mala-paraisong tanawin nito, at Siargao (Rank 10) bilang sustainable island getaway para sa surfing, laidback lifestyle, at boutique resorts.

Pinangunahan naman ng Dusit Thani Mactan Cebu ang kategoryang Best Beach, Island + Upcountry Resorts, dahil sa matagumpay na pagsusulong ng Thai hospitality na sinabayan ng Visayan warmth.

Kabilang dito ang ilang beach sa Palawan, Bohol, at Boracay na patunay ng world-class hospitality ng Pilipinas.

Ang Raffles Makati naman ang itinanghal bilang Best City Hotel dahil sa elegante at tahimik na atmospera, sariling-gawa na mga serbisyo, at fine dining para sa mga turista.

Nanguna rin ang Pilipinas sa Best Hotel Spas, kung saan itinanghal ang Chi, The Spa sa Shangri-La Mactan bilang No. 1, kasama ang The Farm at San Benito at Chi Spa sa Boracay.

Bagama’t nanguna ang Tokyo bilang Best City at Bali bilang Best Island sa buong Asia-Pacific, makikita sa malawak na pagkakasama ng Pilipinas sa iba’t ibang kategorya na isa ito sa mga nangunguna sa premium travel experience sa rehiyon. – VC