IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, mas handa ngayon sa mga kalamidad kumpara noong 2017 – HHI

Divine Paguntalan
187
Views

[post_view_count]

Philippine Air Force (PAF) with the help of Indonesian National Armed Forces distributed food packs to aid families affected by the typhoon. (Photo by PAF)

Iniulat ng Harvard humanitarian Initiative (HHI) na mas mataas na ang antas ng kahandaan ng Pilipinas sa dumaraang kalamidad ngayong 2024 kumpara noong 2017.

Batay sa pag-aaral ng HHI, tumaas ng 42% ang self-rated disaster preparedness ng mga Pilipino sa nakalipas na pitong taon.

Nauna nang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng kanyang administrasyon na mabawasan ang pangangailangan sa recovery dahil magkakaroon na ng mas matibay na imprastraktura at mas handang komunidad.

Kaugnay nito, nagbigay na ng direktiba ang Pangulo sa lahat ng ahensya ng pamahalaan gayundin sa local government units (LGUs) para manatiling naka-high alert sa pagtugon sa mga posibleng epekto ng Typhoon Marce.

“Simulan natin sa pagkasa ng isang maayos na sistema ng komunikasyon na mabilis maghahatid ng abiso at impormasyon sa mga mamamayan. Tandaan na nakabatay ang kanilang pagkilos sa mga maagang warnings na inyong ipaaabot. Knowledge saves lives,” binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr.

Upang higit din na matutukan ang pangangailangan ng bansa mula sa banta ng bagyo, inanunsyo ng Pangulo na hindi na siya dadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa Lima, Peru sa darating na Nobyembre 10-16. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views