IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, nakamit ang 2024 inflation target

Jerson Robles
184
Views

[post_view_count]

Canva file photo

Nakapagtala ang Pilipinas ng 2.9% inflation rate noong Disyembre 2024 na nagdala sa average inflation rate ng bansa na 3.2% para sa buong taon, pasok sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4% ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang inflation pagdating sa pagkain at non-alcoholic beverages nitong 2024 o katumbas ng 4.4% mula sa dating 7.9% noong 2023 kung saan ang inflation ng bigas ay bumagal sa 0.8%.

Ang pagbuting ito ng inflation rate mula sa dating 6.0% noong 2023 ay iniugnay ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan sa pinagsamang pagsisikap ng bawat ahensya ng pamahalaan upang mapanatiling stabilized ang mga presyo ng mga bilihin at serbisyo.

“The 3.2-percent average inflation rate in 2024 is a significant improvement from the 6.0 percent figure in 2023. Despite the risks we encountered throughout the year, our combined efforts to temper inflation have largely been successful,” saad ni Balisacan.

“We will build upon this momentum as we commit to keep the inflation rate within our target range in 2025,” dagdag niya.

Upang mapanatili ang magandang datos, inilatag ni Balisacan ang magiging hakbang ng pamahalaan ngayong taon.

Kabilang dito ang pagpapalawak ng Local Adaptation to Water Access (LAWA) at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (BINHI) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layuning palakasin ang suplay ng pagkain at tubig.

Pagtitiyak ng NEDA, gagawin nila ang lahat ng mga hakbang upang mapagaan pa ang antas ng inflation sa bansa habang sinusuportahan ang mga Pilipino sa harap ng mga hamon kaugnay sa ekonomiya para sa “matatag, maginhawa, at panatag na buhay.”

“As we enter 2025,  we remain optimistic about curbing inflation through strategic, timely, and proactive measures,” ani Balisacan.

“At the same time, we are intensifying efforts to improve productivity, encourage innovation, and build resilience toward ensuring food security and protecting consumers’ purchasing power,” dagdag niya. – VC

Related Articles