
Nakatanggap ng interes ang Pilipinas mula sa United Kingdom para pumasok sa Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) kung saan layong paigtingin ang operational collaboration at interoperability sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at British Armed Forces.
Ipinahayag ito ni UK Secretary of State for Defence John Healey sa isang liham sa naging pagpupulong nina Department of National Defense (DND) Gilberto Teodoro Jr. at Minister of State for Defence in the House of Lords of UK Lord Vernon Coaker.
Pinuri naman ni Teodoro ang naturang hakbang ng UK at kinilala ito bilang patunay ng lumalawak na pagkakaisa ng Europa at Indo-Pacific para ipagtanggol ang rules-based international order.
Kasabay nito, tinanggap din ni Teodoro ang mas aktibong papel ng UK sa rehiyon kabilang ang port visit ng HMS RICHMOND bilang bahagi ng Operation Highmast—deployment ng UK Carrier Strike Group sa Indo-Pacific. – VC