Sa pinakabagong E-Government Development Index (EGDI) ng United Nations, umangat ang Pilipinas ng 16 puwesto ngayong 2024 kung saan mula sa ika-89 noong 2023 ay umakyat pa ito sa ika-73.
Ipinapakita ng pagtaas na ito ang patuloy na pagsisikap ng bansa na pagbutihin ang access at kalidad ng mga serbisyong pampubliko sa digital na paraan.
Lumabas sa datos na ang Pilipinas ay nakakuha ng mataas na puntos pagdating sa aspeto ng online services at digital communication sa pagitan ng mga mamamayan at gobyerno.
Kabilang na ang pagpapalawak ng mga online portal upang mapadali ang permit application na kinakailangan ng publiko.
Ang gumagandang pwesto ng Pilipinas sa EGDI ay hakbang patungo sa mas makabago at mas epektibong sistema ng pamahalaan na mas nakatuon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
Nanguna sa index ang mga bansa tulad ng Denmark, Estonia at Singapore. — VC