IBCTV13
www.ibctv13.com

Pilipinas, VAT-free na para sa mga dayuhang turista

Hecyl Brojan
98
Views

[post_view_count]

Foreign visitors flocked in an island port in the Philippines (Photo from Radyo Pilipinas)

Mas pinadali na ang pamimili ng mga dayuhang turista sa Pilipinas matapos lagdaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 12079 o ang Value-added tax (VAT) Refund for Non-Resident Tourists.

Nilagdaan ito noong Marso 24, 2025 nina Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto, Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio, at Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner Marissa Cabreros.

Sa ilalim ng IRR, maaaring mag-refund ng VAT ang mga dayuhang turista para sa mga produktong may halagang hindi bababa sa P3,000 na binili sa accredited stores.

Kinakailangang dalhin ang mga produkto palabas ng bansa sa loob ng 60 araw matapos ang pagbili.

Sakop ng VAT refund ang tangible goods tulad ng damit, gadgets, alahas, accessories, souvenir items, at pagkain.

Sinabi ni Secretary Recto na ang bagong batas ay may malaking epekto sa ekonomiya.

“With a multiplier effect of 1.97, every 100 pesos spent by a tourist generates 197 pesos in economic output. Imagine that. Halos doble ang balik sa ekonomiya,” saad ng kalihim.

Dagdag pa niya, ang mas mataas na gastusin ng mga turista sa bansa ay magreresulta sa mas maraming negosyo, mas maraming trabaho, at mas mataas na kita para sa mga Pilipino.

Upang mas mapakinabangan ang VAT refund, tiniyak ng DOF na magiging simple at accessible ang proseso.

“We want more tourists to come — and we want them to stay longer, spend bigger, and transact with convenience,” ani Recto.

Plano rin ng gobyerno na makipagtulungan sa internationally recognized VAT refund operators upang gawing moderno at transparent ang sistema.

Sinusuportahan din ng DOF ang pagpapalawak ng mga paliparan, pantalan, at transport systems upang gawing mas madali para sa mga turista na bumisita at gumastos sa bansa.

“Our shared goal should be clear: Tourists should leave the Philippines with more than just souvenirs. They should leave knowing that this is a country that delivers on its promises,” dagdag niya.

Sa pamamagitan ng VAT refund system na ito, umaasa ang gobyerno na mas maraming dayuhang turista ang mahihikayat bumisita at mamili sa Pilipinas tungo sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at industriya ng turismo.

– VC

Related Articles