IBCTV13
www.ibctv13.com

Pinadaling ‘fiscal mining regime’, ipinanawagan ni Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
194
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. led the awarding of 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) in Malacañang Palace on October 16, 2024. (Photo by PCO)

Sa kanyang talumpati sa 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) ngayong Miyerkules, Oktubre 16, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mambabatas na pagtuunan ng pansin ang mas pinadaling ‘fiscal regime’ sa pagmimina sa bansa.

Layon ng panukala na lumikha ng mas pantay at makatarungang kapaligiran para sa lahat ng nagtatrabaho sa nasabing industriya.

“I urge all our dedicated agencies and esteemed members of Congress to support the Rationalization of the Mining Fiscal Regime,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr.

Iminumungkahi rin ng panukalang batas na magkaroon ng four-tier, margin-based royalty na naglalaro mula 1.5% hanggang 5% sa mga kita mula sa operasyon ng pagmimina na hindi sakop ng mineral reservations.

Ipinahayag din ng Pangulo ang pangangailangan para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang kanilang ‘regulatory functions’ upang matiyak na masusunod ang mga pamantayan sa kaligtasan at pangangalaga sa kalikasan.

Kabilang sa mga hakbang na ito ay ang Administrative Order No. 2022-04, na nag-uutos sa tamang biodiversity management sa mga operasyon ng pagmimina gayundin ang pagtatatag ng National Environment and Natural Resources Geospatial Database na magbibigay ng mas malalim na kaalaman sa mga yaman ng bansa.

Dagdag pa ng punong ehekutibo na ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng layuning isulong ang ‘sustainable development’ sa Pilipinas. -IP

Related Articles

National

Ivy Padilla

50
Views

National

Ivy Padilla

68
Views