IBCTV13
www.ibctv13.com

Pondo ng PhilHealth, GSIS, SSS, inilaan sa infra, long-term projects — NEDA

Ivy Padilla
273
Views

[post_view_count]

Photo by Michael Peronce, IBC News

Inanunsyo ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na inilaan ang mga pondo mula sa mga state office para sa mga proyektong pang-imprastraktura at iba pang programa ng pamahalaan na naaayon sa long-term development plans ng bansa.

Kabilang na rito ang mga badyet mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Government Service Insurance System (GSIS), at Social Security System (SSS).

“I don’t have the details where those funds have actually been used, but broadly yes [they were used in infrastructure projects and they were] meant to address the need for funding for those projects that have been identified, and programmed for implementation within the year,” paliwanag ni Balisacan.

Tiniyak ng NEDA secretary na ang pondo at pinaglaanang mga proyekto ay dumaan muna sa mahigpit na pagsusuri ng economic managers, implementing agencies at ng Kongreso.

Binigyang-diin ni Balisacan na dapat gamitin palagi ang pondo ng gobyerno sa mga produktibo at kapaki-pakinabang na proyektong makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa.

Muling siniguro ng opisyal sa publiko na ang paggamit ng mga pondo mula sa PhilHealth, GSIS, at SSS ay sumasalamin sa balanseng pagtugon sa parehong ‘short-term needs and long-term national development goals’ ng bansa. – VC