IBCTV13
www.ibctv13.com

Power crisis sa Siquijor, dapat maresolba bago matapos ang 2025 –PBBM

Hecyl Brojan
92
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr.’s State of the Nation Address (SONA) regarding the power crisis in Siquijor.

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE), National Electrification Administration (NEA), at Energy Regulatory Commission (ERC) na ibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa Siquijor bago matapos ang taong 2025.

Kasunod ng malawakang brownout na nagdulot ng deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan, isang imbestigasyon ang isinagawa alinsunod sa direktiba ng Pangulo.

Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ngayong Hulyo 28, iniulat niya ang natuklasan na ilang pangunahing dahilan ng krisis: expired na permits, sirang generators na napabayaan, at mabagal na proseso sa pagbili ng krudo at mga piyesa.

Dahil dito, naapektuhan ang operasyon ng mga ospital, negosyo, at sektor ng turismo sa probinsya.

Bilang tugon, ipinag-utos ng Pangulo ang pagbuo ng pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pasilidad upang hindi na maulit ang ganitong problema.

Isang mas malalim na imbestigasyon naman kaugnay sa kapabayaan ng mga power companies ang isinagawa hindi lamang sa Siquijor kundi sa iba pang lugar sa bansa na may kaparehong isyu.

Sa huli, ipinangako ng Pangulo ang posibilidad ng pagre-refund sa mga apektadong konsyumer kung mapatunayang may pagkukulang sa serbisyo.

Related Articles