IBCTV13
www.ibctv13.com

Presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin sa merkado, nananatiling normal at sapat – PBBM

Khengie Hallig
127
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led a joint price and supply monitoring with DA and DTI to ensure that the prices and supply for basic commodities remain stable amidst global uncertainties. (Photo from PCO)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nananatiling sapat at matatag ang presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Middle East.

Kasunod ito ng kanyang joint price and supply monitoring kasama ang Department of Trade and Industry at Department of Agriculture sa Agora Public Market sa San Juan City ngayong Miyerkules, Marso 18.

Ayon sa Pangulo, walang dapat na ipangamba ang publiko dahil nananatiling normal ang presyo ng mga bilihin at sapat pa ang suplay ng mga ito.

“Ang supply natin, maganda naman ang supply natin ng pagkain, ng bigas, lahat ng mga basic goods. Kaya iyong ating mga kababayan, sinasabi natin, hindi naman kailangang mag-hoarding at hindi tayo nagkukulang sa food supply,” saad niya.

Pinuri rin ni Pangulong Marcos Jr. ang mga nagtitinda sa San Juan dahil sa kanilang kooperasyon at pagsunod sa itinakdang suggested price cap ng DTI.

Nangako naman ang lider na magpapatuloy ang monitoring sa presyo at suplay ng mga bilihin upang matiyak ang katatagan sa presyo nito, lalo na’t hindi pa tiyak kung hanggang kailan tatagal ang tensyon sa rehiyon. – IP