IBCTV13
www.ibctv13.com

Problema sa droga sa Pilipinas, kayang puksain bago matapos ang Marcos Admin – PDEA

Divine Paguntalan
102
Views

[post_view_count]

Destruction of P9-billion worth of dangerous drugs in Cavite. (Photo by Luis Villacarlos, PDEA)

Kumpiyansa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kayang puksain ang problema sa droga ng Pilipinas sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.

Sa datos ng PDEA, aabot sa 6,466 kilogram ng shabu, 75.89 kg ng cocaine, 115-K kg ng ecstasy, 5,666 kg ng marijuana at 1,000 kg ng kush o high grade marijuana ang nasabat nila simula 2022 hanggang Setyembre ngayong 2024 na sa kabuuuan ay aabot sa P49.71 bilyong halaga.

Ayon pa sa anti-drug agency, mas mataas ito kumpara sa dating administrasyon dahil suplay ang pinagtutuunan ng pansin ng ahensya, alinsunod sa direktiba ng Pangulo na kung mauubos ito ay wala nang mapagkukunan pa ang mga pusher at user.

“We are positive to do that but sabi nga nila, everything is possible so we are trying our best na sana ma-zero natin yan. Cross fingers, we will do our best, we still have four years to go before the end term of President Marcos Jr.,” saad ni PDEA Public Information Office (PIO) Chief Laurefel Gabales.
Dagdad pa nito, ang mga drug operation ay isinasagawa sa pamamagitan ng makataong pamamaraan upang walang masaktan sa parehong awtoridad at nahuhuling sangkot sa iligal na droga.

“The present administration is going against the supply of drugs with approach of humane. So, doon tayo nakaangkla… ang administration natin sa bagong Pilipinas is dapat, as much as possible, zero casualties on both sides,” dagdag niya.

Kaugnay nito, may ilang matataas na personalidad ang nahuhuli sa operasyon tulad ng isang anak ng dating General sa Zamboanga City habang may ilan ding mga drug den na nagsisilbing one-stop shop o bilihan kung saan ilang mga kliyente ang gumagamit pa ng iligal na droga.

Bagaman marami-rami na ang nahuhuli ay hindi anila rito natatapos ang kanilang pagkilos upang tuluyan nang masugpo ang iligal na droga sa parehong maliliit at matataas na indibidwal o grupo.

Tiniyak naman ng PDEA na mas maigting ang pagsasagawa ng drug raid ngayon lalo na’t nalalapit na ang kapaskuhan at maraming mga pusher ang nagbebenta ng iba’t ibang iligal na droga para magkaroon ng pera.

Mahigpit din ang pagbabantay ng anti-drug agency sa marijuana na ‘locally produced’ at madaling maibenta sa mga kabataan. – AL

Related Articles

National

68
Views

National

Divine Paguntalan

53
Views