IBCTV13
www.ibctv13.com

Programa ng DSWD, dapat alisin sa unprogrammed appropriation para mabilis mapakinabangan ng mga Pilipino – PBBM

Divine Paguntalan
104
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. led the meeting with DSWD to remove the agency’s programs in the unprogrammed appropriation for 2026. (Photo from PCO)

Iminungkahi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unprogrammed appropriation para sa susunod na taon.

Napag-usapan ito sa isang pulong kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian kasabay ng pagsusuri sa pondo ng ahensya para sa Fiscal Year 2025, alinsunod sa General Appropriations Act (GAA) at National Expenditure Program (NEP).

Binigyang-diin ng Pangulo na ang pag-aalis ng programa ng DSWD sa unprogrammed appropriation ay makatutulong upang masigurong hindi maaantala ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong higit na nangangailangan, partikular ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“DSWD programs should no longer [be] in the unprogrammed appropriation next year. Dapat nandyan na (programmed) para mabilis mapakinabangan,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Batay sa ulat, nabawasan ang pondo ng DSWD ng P10.85 bilyon o 4.79% kung saan mula sa P226.67 bilyon ay naging P215.82 bilyon na lamang sa FY 2025 GAA.

Dahil dito, humihiling ang kagawaran ng P41.8 bilyon bilang karagdagang pondo mula sa Unprogrammed Appropriations upang masuportahan ang 4Ps grants para sa buwan ng Agosto hanggang Disyembre 2025. – IP

Related Articles

National

Divine Paguntalan

68
Views

National

Divine Paguntalan

97
Views