IBCTV13
www.ibctv13.com

PUV modernization program, magpapatuloy – Palasyo

Ivy Padilla
173
Views

[post_view_count]

Modern jeepney (Photo by Development Bank of the Philippines)

Inanunsyo ng Malacañang na magpapatuloy ang pagsulong ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program sa bansa, ngunit nilinaw na hindi ipatutupad nang madalian at walang maayos na paghahanda para sa mga apektadong sektor.

Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro, inilatag na ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kasalukuyang hamon sa programa.

Kabilang na rito ang kahandaan ng mga driver at operator na sumunod sa cooperative at financial requirements para makasali sa PUVMP.

“Tuloy pa rin po ang PUV modernization program, ihahanda lang po natin ang mga stakeholders dito,” saad ni Castro.

“Napag-usapan po ‘yan, nilahad po niya kung anu-ano ang mga isyu kung ngayon ay agad ipapatupad,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Castro na mahalagang matiyak muna na mayroong sapat na kakayahan ang mga driver at operator na bumuo at mamahala ng isang kooperatiba.

Tinitingnan ngayon ng pamahalaan ang pakikipag-ugnayan sa mga manufacturer para mabawasan ang presyo ng mga modern unit.

Ani Castro, bukas si Pangulong Marcos Jr. sa mga inilatag na rekumendasyon kung saan binigyang-diin lamang nito na dapat pag-isipang mabuti at tiyaking patas ang pagpapatupad ng programa. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

142
Views

National

Divine Paguntalan

160
Views