IBCTV13
www.ibctv13.com

Quiboloy, balik na sa Pasig City Jail matapos ma-ospital dahil sa pneumonia

Divine Paguntalan
65
Views

[post_view_count]

Apollo Quiboloy’s mugshot. (Photo from DILG)

Ibinalik na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Pasig City Jail Male Dormitory si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 12.

Ito ay matapos ang higit tatlong (3) linggo niyang pananatili sa Pasig City General Hospital (PCGH) para ipagamot ang kanyang community-acquired pneumonia at hypertension type 2.

Matatandaan noong Enero 18, 2025 unang dinala sa Rizal Medical Center (RMC) si Quiboloy nang makaranas ng hirap sa paghinga.

Dito rin na-diagnose ng pneumonia ang pastor at kalauna’y inilipat sa The Medical City (TMC) sa Ortigas para sa mas masusing gamutan.

Samantala, noong Enero 23, ipinag-utos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang kanyang paglilipat mula TMC patungo sa PCGH hanggang sa makatanggap ng medical clearance kahapon para bumalik na sa BJMP Pasig.

Nananatili naman ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad kay Quiboloy habang patuloy na gumugulong ang mga kaso laban sa kanya. – AL

Related Articles

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

115
Views

National

Intercontinental Broadcasting Corporation

89
Views

National

Divine Paguntalan

108
Views