IBCTV13
www.ibctv13.com

Quiboloy, payapang nailipat sa Pasig City Jail – BJMP Spox.

Divine Paguntalan
131
Views

[post_view_count]

KOJC leader Apollo Quiboloy was assisted by the PNP as he attended the Senate hearing on October 23, 2024. (Photo by Senate PRIB)

Naging maayos at mapayapa ang paglipat kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail – Male Dormitory nitong Miyerkules, Nobyembre 27.

Iniulat ni JSupt. Jayrex Bustinera, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson, na sumailalim muna sa medical check-up at quarantine si Quiboloy kung saan pansamantala siyang mananatili sa isang classification cell ng dalawang linggo bago ilipat sa regular na selda.

Makakasama ng pastor ang 30 persons deprived of liberty (PDLs) sa oras na mailipat siya ng kulungan na may lawak lamang na dalawang metro kwadrado.

Matatandaang nakadetine ang religious leader sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame mula nang siya ay maaresto ngunit nabigyan ng ‘medical furlough’ kaya dinala sa Philippine Heart Center.

Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong may kaugnayan sa human trafficking at child abuse sa kabila ng kanyang pagtanggi ukol dito. – VC