IBCTV13
www.ibctv13.com

RDRRMC 6, nasa Red Alert status na bilang paghahanda sa bagyong Tino

Veronica Corral
162
Views

[post_view_count]

Government Command and Control Center, November 2, 2025 — The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Central Visayas convened today for a Regional Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Scenario-Building Meeting via virtual teleconference in preparation for the possible impacts of Severe Tropical Storm (STS) Tino. (Photo from OCD Central Visayas)

Itinaas na sa Red Alert status ang operations center ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ng Region 6 bilang paghahanda sa bagyong Tino.

Kasunod ng inaasahang epekto ng bagyo, ipinapatupad na ang preemptive evacuation sa mga nakatira sa coastal, low lying at landslide prone areas.

Ipinatutupad din ang pre-positioning ng food at non-food items hanggang sa mga island barangays, at ang pag-activate ng mga response teams, logistics, at generators.

Batay sa predictive analytics ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) VI, tinatayang 466,044 pamilya o 2.3 milyong indibidwal ang maaaring maapektuhan sa Western Visayas.

Tinukoy naman ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) 6 ang 3,227 barangays sa Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras kung saan may peligrong mahulog sa baha at matabunan sa landslide.

Naglabas naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng pansamantalang restriksyon at gabay sa paglalayag ng mga motorbanca at RoRo vessels na biyaheng Iloilo-Guimaras at vice versa upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at sasakyang pandagat.

Samantala, kanselado muna ang lahat ng biyahe mula Sebaste, Sibunag port (Guimaras) patungong Pulupandan port (Negros Occidental) at pabalik hanggang sa dalawang araw na abiso. (Ulat mula kay Rena Dagoon)