IBCTV13
www.ibctv13.com

Rehabilitasyon ng abaca industry sa Catanduanes, plano ni Pangulong Marcos Jr.

Divine Paguntalan
171
Views

[post_view_count]

Aerial view of the damage caused by Super Typhoon Pepito in Catanduanes. (Photo by PCO)

Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Catandunganon na tutulungan ng pamahalaan ang kanilang probinsya na maisakatuparan ang rehabilitasyon sa industriya ng fiber production sa Catanduanes.

Sa pagbisita ng Pangulo sa probinsya, pinangunahan niya ang isang situation briefing kasama ang Department of Agriculture (DA) upang pag-aralan ang pinsala na idinulot ng mga nagdaang bagyo, lalo na ng Super Typhoon Pepito, sa industriya ng abaca at kung paano ang tamang gawin para maisaayos muli ito.

“Ang pinakamalaking naging problema, ‘yung agricultural damage. Catanduanes ang center ng production ng abaca at maraming nasira. Kailangan natin tingnan ulit kung papaano tayo mag-replant,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Dahil dito ipinag-utos na ng Pangulo sa DA katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng cash-for-work program para sa mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad kasabay ng pagsasagawa ng rehabilitasyon sa industriya.

Nitong Martes personal na namahagi si Pangulong Marcos Jr. ng cash assistance at food packs bilang bahagi ng pagsisimula ng mga residente sa Virac, Catanduanes na nasalanta ng bagyong Pepito. – AL

Related Articles

National

59
Views

National

Divine Paguntalan

50
Views