Malaki ang pasasalamat ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co sa Kamara para sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya upang pamunuan ang pinakamakapangyarihang House Committee on Appropriations.
Kasunod ito ng kanyang mabigat na desisyon na magbitiw bilang chairman ng komite dahil sa “pressing health concerns.”
“This decision, made with a heavy heart, is driven by pressing health concerns. The highly demanding nature of my role has taken its toll, and I now need to prioritize seeking the medical attention necessary for my well-being,” anunsyo ni Rep. Co sa isang pahayag.
Pinasalamatan din ng mambabatas ang mayorya ng Kongreso para sa pagtanggap ng kanyang desisyon na bumaba sa pwesto.
“I am deeply honored to have been entrusted with the immense responsibility of steering the nation’s budget in service of the House of the people and the constituents we represent,” dagdag niya.
Sa kanyang pag-alis sa pwesto, umaasa si Co na ipagpapatuloy ng bagong liderato ng komite ang pagsuporta sa mga programang nasimulan para sa kapakinabangan ng maraming Pilipino.
Kabilang na rito ang pangkalusugan, housing, at food security.
Ngayong Martes, Enero 14, kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na si Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo ang bagong uupong Chairman ng komite. – VC