IBCTV13
www.ibctv13.com

Reporma sa ekonomiya, pinalakas ng Marcos Jr. admin ngayong 2024

Jerson Robles
259
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. signed the CREATE MORE Act into law on November 11. (Photo from PCO)
Sinimulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2024 sa pangako na higit pang palalakasin ang ekonomiya ng bansa, lalo na ang sektor ng agrikultura, matapos na bumaba ang inflation rate sa pinakamababang antas noong Disyembre 2023.

Nagpatupad ang administrasyon ng mga pangunahing reporma na naglalayong tiyakin ang liberalization, privatization, at globalization sa bansa.

Kabilang dito ang mga estratehiya para sa tamang pag-deploy ng mga trade policy tools at patuloy na pamumuhunan sa irrigation, flood control, supply chain logistics, at climate change adaptation.

Inilunsad ang mga pamamaraan sa aspeto ng globalization sa pamamagitan ng standardization ng mga aktibidad na pang-ekonomiya.

Noong Enero, inutusan ni Pangulong Marcos Jr. ang Maritime Industry Authority (MARINA) na i-standardize ang mga maritime practices ng Pilipinas upang makasabay sa pandaigdigang pamantayan.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong Marso ang isang kasunduan sa Germany para sa reskilling at upskilling ng mga Pilipinong manggagawa sa larangan ng digitalization at green economy.

Kasama ng TESDA at Germany’s Federal Institute for Vocational Education and Training (BIBB), isinagawa ang mga hakbang para sa capacity building.

Pinalakas naman ang liberalization ng mga limitasyon sa transfer technology at pagpapadali ng pagnenegosyo sa Pilipinas. Isa sa mga hakbang na ito ay ang digital transformation agenda ni Pangulong Marcos Jr. na nag-udyok sa Google na palawakin ang kanilang negosyo sa bansa.

Nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga executive ng Google noong Abril kasunod ng kanyang trilateral meeting kasama sina U.S. President Joe Biden at Japan Prime Minister Kishida Fumio, kung saan tinalakay nila ang pagpapalakas ng kooperasyon sa ekonomiya at maritime.

Nagpatuloy ang Public-Private Partnership (PPP) bilang isang solusyon upang mabawasan ang pasanin ng gobyerno habang nagbibigay pa rin ng suporta sa ekonomiya. Isang halimbawa nito ay ang privatization ng Laguindingan Airport na naging international aviation hub.

Pinaunlad ng Aboitiz InfraCapital ang kapasidad ng Laguindingan mula 1.6 milyon pasahero taun-taon hanggang 6.3 milyon, na nagbigay-daan para sa pag-unlad ng rehiyon at paglikha ng trabaho.

Pinabilis din ang pagpapaunlad ng Batangas port upang mapalakas ang ekonomiya. Ang mas malaking passenger terminal ay nagbukas ng higit 1,100 bagong trabaho at inaasahang makalikha pa ng karagdagang 1,800 trabaho mula sa mga commercial establishments.

Patuloy na pinapabuti ni Pangulong Marcos Jr. ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga reporma, na naglalayong lumikha ng mas maraming oportunidad at mas magandang kinabukasan para sa lahat. – VC

Related Articles