IBCTV13
www.ibctv13.com

Respiratory infections ngayong taglamig, walang dapat ikabahala, kayang maiwasan – DOH

Divine Paguntalan
118
Views

[post_view_count]

People wearing face masks in public places. (Photo by Alfred Frias, PNA)

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat laban sa mga naglalabasang sakit kasabay ng nagpapatuloy ang malamig na panahon sa bansa.

Kasunod ito ng paalala ng World Health Organization (WHO) tungkol sa tumataas na bilang ng mga kaso ng respiratory infections sa maraming bansa sa Northern Hemisphere.

Kabilang sa mga karaniwang sakit tuwing taglamig ay ang Influenza, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Human metapneumovirus (hMPV).

Dito sa Pilipinas, lumabas sa datos ng DOH Influenza-like Illness (ILI) Surveillance System noong Disyembre 2024 na may 179,227 kaso ng mala-trangkasong sakit.

Bagaman daang libo ang bilang ay hindi dapat ikabahala ang sakit ayon sa DOH dahil mas mababa pa rin ito ng 17% kaysa sa 216,786 na kaso na naitala noong 2023 at kayang maiwasan sa pamamagitan ng tamang pag-iingat.

“Hindi bagong virus ang hMPV. Matagal na natin siyang kayang tukuyin. Hindi rin malala ang kanyang sintomas. Tulad ng karaniwang ubo at sipon, gumagaling siya ng kusa basta malakas ang ating resistensya,” pagtitiyak ni Health Secretary Ted Herbosa.

Ibinahagi rin ng kalihim ang TED tips – Tamang pagkain, Ehersisyo, at Disiplina sa katawan – upang mapanatiling malakas ang resistensya ng mga Pilipino anumang panahon.

Narito ang iba pang paalala ng DOH para sa mas ligtas na kalusugan:

• Hugasan ang kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol.
• Manatili sa bahay kung may sintomas tulad ng ubo o lagnat.
• Gumamit ng facemask kung may sakit o gustong umiwas sa impeksyon.
• Kumonsulta agad sa doktor kung may malubhang sintomas o kabilang sa high-risk na grupo tulad ng mga bata, matatanda, at immunocompromised.

VC

Related Articles