Hindi na ikinagulat ng ilang lider ng Kamara ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumabas na 41% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kina House Assistant Majority Leader Jay Khonghun at Deputy Majority Leader Paolo Ortega, ang survey ay repleksyon ng galit ng publiko sa umano’y maling paggamit ng confidential funds.
“The numbers don’t lie. The public is demanding accountability, and this survey reflects their growing frustration over the glaring irregularities surrounding the Vice President’s actions,” pahayag ni Khonghun.
Binigyang-diin naman ni Ortega na ang mga reklamo ay hindi politikal kundi nakabatay sa mga pruweba ng katiwalian.
“This is about accountability. The evidence against the Vice President is glaring, from the misuse of confidential funds to a pattern of governance riddled with questions,” saad ni Ortega.
“The Filipino people deserve answers, and their support for impeachment shows they are demanding transparency and justice,” dagdag niya.
Sinabi rin ng mga mambabatas na ang resulta ng naturang survey ay nagpapahiwatig sa Kongreso na nararapat lamang tiyaking patas ang proseso ng impeachment at walang makakahigit sa batas. – VC