IBCTV13
www.ibctv13.com

Retired SC Justice Reyes, pangungunahan ang Independent Commission vs maanomalyang flood control projects — PBBM

Divine Paguntalan
89
Views

[post_view_count]

Fatal error!

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si retired Supreme Court Justice Andres Reyes Jr. bilang Chairperson ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magsisiyasat sa mga umano’y iregularidad sa multi-billion peso flood control projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ginanap na press briefing sa Palasyo ngayong Lunes, Setyembre 15, sinabi ng Pangulo na si Reyes ang naging pangunahing pagpipilian dahil sa kanyang matibay na record bilang jurist.

“He has a very, very good record of honesty and fairness and a good record of being able to find justice for those who have been victimized,” saad ng Pangulo.

Makakasama ni Reyes sina dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson at SGV & Co. executive Rossana Fajardo, na nauna nang inanunsyo ng Palasyo nitong Setyembre 13.

Samantala, magsisilbi namang special adviser si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dati ring kilalang police investigator. Ayon sa punong ehekutibo, malaki ang maiaambag ni Magalong dahil mayroon na itong inisyal na detalyadong ulat kaugnay ng mga proyekto.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos Jr. na ipauubaya niya sa ICI ang imbestigasyon kaugnay ng isyu.

Matatandaang itinatag ang naturang komisyon sa bisa ng Executive Order No. 94, kasunod ng dagsa ng higit 12,000 reklamo sa “Sumbong sa Pangulo” website. – VC

Related Articles

National

64
Views

National

Hecyl Brojan

258
Views