Ramdam na ng komunidad sa tabi ng ilog sa Barangay Bamban, Boac, Marinduque ang malaking pag-unlad sa kanilang araw-araw na gawain matapos ang pagkakakumpleto ng isang flood control structure ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naglalayong mabawasan ang matinding epekto ng paulit-ulit na pagbaha sa lugar.
Iniulat ni DPWH Region IV-B Director Gerald A. Pacanan kay Secretary Manuel M. Bonoan ang natapos na istraktura na makakatulong nang malaki sa pagpapalakas ng mga aktibidad sa kabuhayan ng Barangay Bamban, lalo na sa pagsasaka, na pangunahing pinagkakakitaan sa lugar.
“The flood mitigation project is a comprehensive measure in reinforcing disaster resiliency while assuring residents their safety and security against flooding that has been causing serious damages to properties, livestock and crops for many years,” saad ni Pacanan.
Ang proyekto na ipinatupad ng DPWH Marinduque District Engineering Office ay kinabibilangan ng konstruksyon ng 385-lineal meter revetment wall gamit ang steel sheet piles, na nagtataguyod ng panmatagalang sustainability ng proyekto laban sa masamang panahon.
Nagkakahalaga ito ng P67.54 milyon at pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2024. – VC