IBCTV13
www.ibctv13.com

Samahan ng Pilipinas-US, mananatiling matatag sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Trump – PBBM

Alyssa Luciano
143
Views

[post_view_count]

US President-elect Donald Trump (Left) and President Ferdinand R. Marcos Jr. (Right) (Photo by Donald Trump and PCO)

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling matatag ang samahan ng Pilipinas at Estados Unidos kasunod ng katatapos na 2024 U.S Presidential Elections kung saan nanguna sa pagkapangulo si Republican President-elect Donald Trump.

Ayon sa Pangulo, walang magiging pagbabago sa relasyon ng dalawang bansa dahil ang Amerika ang pinakamatagal nang kasama ng Pilipinas pagdating sa mga kasunduan.

“I don’t think it will change. The global forces that are our oldest treaty partner, that doesn’t change,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

“I will have to see if there is a major change, but I don’t think so,” dagdag niya.

Matatandaang nanguna si Trump sa presidential race na may 312 electoral votes, mas mataas kaysa sa 226 electoral votes na nakuha ng kalaban na si outgoing U.S. Vice President Kamala Harris.

Nauna nang nagpahayag si Pangulong Marcos Jr. ng pagbati para kay Trump kung saan inihayag nito ang kanyang paniniwala na mas lalakas pa ang samahan ng dalawang bansa.

Isa ang Estados Unidos sa mga kaagapay ng Pilipinas pagdating sa iba’t ibang mga larangan partikular na sa depensa at seguridad, pamumuhunan at kalakalan, imprastraktura, patin na sa humanitarian assistance at iba pa. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

110
Views