IBCTV13
www.ibctv13.com

Sec. Angara, namahagi ng laptops sa mga huwarang guro sa Pag-asa Island

Roen Yuen
449
Views

[post_view_count]

Education Secretary Sonny Angara was joined by his wife as they visited Pag-asa Island in West Philippine Sea where they engaged with students and teachers. (Photo by DepEd)

Personal na binisita ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang mga guro ng Pag-asa Integrated School sa Municipality of Kalayaan, West Philippine Sea upang mamahagi ng 15 laptop, 43 footballs at 109 school bags na naglalaman ng school supplies.

Ito ay bahagi ng pangako ng ahensya na dalhin ang de-kalidad na edukasyon sa bawat sulok ng Pilipinas.

“With this technology, we hope to lighten the workload of our teachers and unlock the potential of our learners. President Bongbong Marcos has directed us to harness modern tools to strengthen education and uplift the future of our youth,” saad ni DepEd Sec. Angara.

Si Angara ang pinaka-unang kalihim ng DepEd na bumisita sa ‘remote island’ na isa sa makasaysayang milestone ng kagawaran.

Nagsagawa rin ng konsultasyon si Angara kasama ang ibang opisyal ng DepEd sa mga guro, magulang at local leaders upang tugunan ang mga kinakaharap na hamon sa paghahatid ng edukasyon sa lugar.

Nagbigay din ng mga maaring solusyon ang ahensya upang mapabuti ang pamumuhay ng mga naninirahan sa lugar, kabilang ang mga proyekto para sa pabahay at ‘transportation service’ para sa mga residente.

“This mission embodies our dedication to ensuring that no Filipino learner is left behind,” saad ni Angara.

Ang pagbisitang ito ay naisakatuparan dahil sa suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa ahensya upang maabot ang malayong komunidad.

Binigyang-diin pa ni Angara ang layunin ng ahensya na maabot ang bawat isang mag-aaral, kahit gaano kalayo ang kanilang lugar.

“The government is committed to developing even the most isolated areas, ensuring access to education, services, and security for all.” saad ni Angara.

Related Articles